OPM Hits na Naging Kontrobersiyal

Artists and their songs
Ang mga liriko ay nagsasalamin ng mga pangyayari.

Maraming rason para sumikat ang isang kanta. Ilan sa mga factors na ito ay ang music genre, ang artist, ang music video, at ang isa pa ay ang mensahe na laman nito.

Masarap pakinggan ang mga kantang may temang pag-ibig, inspirasyon at tagumpay. Nakakadurog naman ng puso ang mabibigat na awitin tulad ng mga sumisikat ngayon na mga hugot songs.

Pero paano naman kaya itong mga kantang ito?

  1. Magnanakaw

Isa sa mga awitin ng Asin na totoong sumalamin sa mga nangyayari sa ating bansa.

Tingnan mo ang iyong sarili, suriin mo ang ‘yong ginagawa

Ikaw ba’y isang magnanakaw at taong mapagsamantala

Hindi nagpapapawis, hindi lumuluha

Magnanakaw ng oras, galing at pawis ng iba

  1. Gusto Ko Ng Baboy

Hindi ito katulad ng Bahay-Kubo, magulo at maingay at tumutuligsa ito. Pero marami din namang sahog ang kantang ito ng Radiocative Sago Project; pagsama-samahin ba naman ang mga salitang baboy, biik, Diyos, businessman, musikero, mayaman, mahirap, at iba pa.

  1. Christmas In Our Hearts

Bakit kontrobersyal ang Christmas song na ito ni Jose Mari Chan? Taon-taon, simula September, halos lahat ng mga malls sa buong Pilipinas ay laman ang kantang ito sa kanilang playlist. Madami namang OPM Christmas songs tulad ng “Ang Pasko ay Sumapit” at “Pasko Na, Sinta Ko” pero tila ito pa rin ang mas pabor ng mga Pinoy. Isama mo na rin ang “A Perfect Chirstmas” na siya din ang kumanta.

  1. Spoliarium

Bagay na bagay ang title ng kantang ito dahil sa pagkakatulad ng mensahe nito sa mismong painting ng bayaning si Juan Luna. Kanta ng Eraserheads at simula nang marinig ito ay nagsimula na ang mahabang kwento ng isang alleged rape-slay case noong 1980s. Hanggang ngayon ay pinag-iisip pa rin ang lahat kung totoo nga ba ito o isang work of fiction lamang.

 

*This article was submitted to Kaskasero by a contributor. Opinions expressed in this article may not reflect those of Kaskasero. Gusto mo ng raket sa pagsusulat? Click here https://kaskasero.org/contribute/