Mga Kantang Hindi Nawawala sa Jamming ng Pinoy

Jamming sa inuman
‘Wag kalimutan ang gitara!

Kahit saang sulok ng bansa, walang segundo na hindi ka makakarinig ng musika. Mapa-kanta sa radyo o kantang gawa ng mga nasa kanto ‘yan, parehong patunay iyan na musika ang buhay na ating tinataglay.

1. Martyr Nyebera – Kamikazee

Well, lahat naman siguro nakaka-relate dito, kaya rin naman maraming napapasabay kapag ito ang nakasalang sa kantahan ng barkada.

2. Harana – Parokya ni Edgar

Sino nga kaya ang hindi dumaan sa kantang ito sa kanilang unang panliligaw at unang panghaharana kasama ang mga mukhang gagong nagkakandarapa sa pagkanta?

3. Tensionado Soapdish

May tropa ka bang magulo ang love life? Kaka-break lang sa relasyon o hindi pa rin maka-move on? Kantahan mo nito, pero siguraduhing walang blade sa paligid.

4. MagbalikCallalily

Sundan mo ito. Mahigit isang dekada na simula noong unang marinig ito pero hanggang ngayon legit na masakit na emosyon pa rin ang dala nito.

5. Alumni HomecomingParokya ni Edgar

Isa ito sa mga legit na hit ng Parokya na talaga namang masarap pakinggan dahil ipapaalala nito sa’yo ang High School days mo.

6. Ang Huling El BimboEraserheads

Isama mo na natin ang Ligaya, Alapaap at Magasin! Kapag nagsama ang gitara at magbabarkada, siguradong hindi mawawalan ang mga kanta ng Eheads!

 

*This article was submitted to Kaskasero by a contributor. Opinions expressed in this article may not reflect those of Kaskasero. Gusto mo ng raket sa pagsusulat? Click here https://kaskasero.org/contribute/