Dear Lord, Thank you sa NAIA Expressway

World news today

Sabi, hindi nabubuo ang solusyon sa traffic overnight. Mabusisi at hindi dapat minamadali ang paggawa sa mga imprastruktura. Kaya Lord, salamat at on time ang pagdating ng NAIA Expressway.

Kahit papaano, magiging madali na ang paghatid at pagsundo sa airport.

https://twitter.com/gmanews/status/778647738674089984

Kamakailan, binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko ang NAIA Expressway Phase II-A, ang bahaging nagdudugtong sa terminals 1 and 2 sa Diosdado Macapagal Boulevard.

Sinubukan na nga ng ilang motorista ang bahagi ng kalsadang ito para mapatunayang mas mabilis ang byahe ngayong buo na ito:

Sa katunayan, maaaring mas mababa sa 10 minuto ang haba ng biyahe mula sa Skyway hanggang Terminal 1 kapag natapos ang kabuuang proyekto. Mas mabilis ka nang makakarating sa airport para sunduin ang kamag-anak mong uuwi galing sa ibang bansa.

Because I will make a bridge to get to you. 😊

A post shared by Melvin Singayan (@sermel) on

Hindi lang sa apat na terminals ng NAIA, mas mapapabilis din ang pagpunta sa South Luzon Expressway dahil tinahi nito ang Sales Interchange, Manila Cavite Toll Expressway at Macapagal Boulevard.

Kasalukuyan ring ginagawa ang 16 na on and off ramps patungo sa mga importanteng lugar sa Villamor Air Base, Resorts World, Terminal 3, MIAA Road, Imelda Avenue, Cavitex, Seaside Drive and Macapagal Boulevard. Ginawa itong dagdag na entry at exit points upang mapaluwag ang mga bottlenecks sa kalsada.

Nagkakahalaga ng P20.45B ang NAIA Expressway na may habang 12.65 kilometro (kasama ang mga ramps) at matatapos sa Pebrero 2017. Sinimulan ito sa ilalim ng Administrasyong Aquino, sa pakikipagtulungan ng San Miguel Corporation (SMC).

Para sa karagdagang impormasyon, check ninyo itong drone video at architecture 3D rendering ng buong proyekto:



Save

Leave a Reply

Your email address will not be published.